Documentary: Happy Land.

Ito ay isang dokumentaryong ginawa at iprinisinta ng mga magaaral ng Inhinyerya sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) para sa asignatura nilang Environmental Engineering.

Ayon sa artikulo na Happy (New) Land sa Manila Bulletin, isang pahayagan, ang Happy Land ay galing sa isang salitang bisaya na “hapilan” o basurahan.

“Ito ang Baranggay 105 o mas kilala sa tawag na, Happy Land.”

Happy Land. Parang tunog Quantum o Worlds of Fun ang pangalan ng lugar na ito sa Tundo. Parang lugar kung saan masaya ang lahat ng tao — pangalang mas angkop sa mga subdivision.

Sa katotohanan, ito ay pangalan ng isang squatter’s area sa maynila. Ito ay lugar kung saan normal ang mabuhay sa tabi ng manila bay at mga basura.

“… masasalamin ang matinding kahirapan…”

Happy Land

” … at kapabayaan sa kapaligiran.”

Another picture of Happy Land.

 

Ang video na ito ay magtatagal ng siyam na minuto. Dito, mas makakapasok tayo sa buhay ng mga Pilipinong nabubuhay sa ganitong kapaligiran Sa kabila ng pagkukusa nilang ayusin ang lugar na ito ay pinagbabantaan namang sirain ang kanilang bahay (sa totoo lang, mas ligtas nga naman kung sa ibang lugar na lang sila maninirahan, pero, ayaw rin naman nilang malayo sa kanilang trabaho. Sa hirap ng buhay ngayon, trabaho ang isa sa pinakamahirap makuha. Isa pa, tama man o hindi, ito na ang buhay na nakasanayan nila.)

Ang video na ito ang magpapatunay na ang mga Pilipino, kahit gaano kabigat ang problemang hinaharap ay nakukuha pa ring magbiro at tumawa.

Ako, bilang isang mamamayan rin ng Tundo, ay alam ang mga krimen nang maituturing na pangyayari sa aking kapaligiran. Nakawan, Holdapan, Patayan, Saksakan, Nagpakamatay dahil sa kahirapan, Batang may apat na trabaho sa isang arawa, buhay ng isang raketista, Gutom, Child Labor — normal na balita na ngayon sa amin ang mga yan. Yaan ang mga balita na napapasabi kami ng, “O tapos? Anong bago dun?” Gayunpaman, kung ako ang tatanungin kung delikado bang manirahan sa Tundo, ganito ang palaging sagot ko, “Hinde. Masaya nga eh. :)” Seryoso, masaya sa Tundo.

“Kaya tinawag na Happy Land ang lugar na ito ay dahil masasaya ang mga tao dito.”

———————–

Disclaimer: Isa ako sa mga tumulong matapos ang video na ito at naihingi ko na rin ng permiso ang video na ito na mai-publish sa blog ko mula sa mga magaaral ng PLM.

I heart manila: happy land (Ito ay ay isang photoblog na nahanap ko sa internet na magpapakita ng Happy Land noon.)

Happy Land History in WikiMapia

Advertisements

16 thoughts on “Documentary: Happy Land.

  1. I just couldnt depart your site prior to suggesting that I extremely enjoyed the standard information an individual provide for your visitors? Is gonna be back frequently in order to inspect new posts 66209

  2. Your writing is fine and gives food for thought. I hope that Ill have a lot more time to read your articles . Regards. I wish you which you often publish new texts and invite you to greet me 134525

    1. Thank you for reading my article and I do hope you’ll find a time to read more of my blogs. 🙂 As much as possible, I do try to write more… but I can’t find time to publish my drafts. :l It’s soooo hard to find time. Work and School and family.. the usual reasons really. 🙂

  3. It’s in point of fact a nice and useful piece of info.

    I’m glad that you just shared this useful information with
    us. Please stay us up to date like this. Thanks for sharing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s