Sinasabi ko lang…

Minsan, nakakalimutan ko. At, normal lang yon para sa aming mga kabataan. Ang makalimutan ang rason namin sa mga bagay paminsan-minsan.

Kaya nga ba ang mga kabataan ay kailangan palaging pinaaalalahanan, kasi, ang ideya namin, tulad ng alam kong alam na ninyo ay NAKAKALAT, sa buong paligid. In English, “We’re everywhere.” At totoong totoo yan.

Kung anong napag iinteresan namin sa mga oras na ito halimbawa, ay maaaring hindi na namin mapagkainteresan mamaya dahil, kung hindi may iba ng nakapukaw ng atensyon namin ay wala na kaming makitang kasama na pareho ng nagustuhan namin.

Sinasabi ko lang:

Wag niyo naman po sana akong masamain. Alam niyo naman po siguro (nagdaan rin naman kayo sa kabataan kamakailan lang di ba? *naks!) na marami talaga kaming ideya, marami kaming gustong sabihin, interesado kami sa lahat ng bagay, pero pag walang napupuntahan yung enerhiya namin… nawawala yung interes namin.

Bagamat iba nga naman ako sa ibang kabataan, dahil nagagabayan naman ako ng mga magulang ko at ilang piling tao, kahit ako ay kailangan ring paalalahanan paminsan-minsan.

At kung sasabihin niyo naman na aksayado sa oras o wala kayong makitang oras para magpaalala sa amin, na kaya kami binigyan ng kalayaan ay para pamunuan na namin yung sarili namin, ito lang po ang masasabi ko, baka hindi pa kayo handa para sa amin.

Kuwestyunin niyo man po kami sa aming paniniwala, sabihin niyo man na “Kami” ang hindi pa handa, na kinaya niyo nung panahon niyo. Iba na pong henerasyon ito, mas madalas sa hinde na nagiisip kame para sa sarili namin. Sa toto lang, naiisip lang namin ang karapatan namin at paglaban kapag masyado na kaming naaapektuhan.

Pero, sa panahon po ngayon na hindi namin direktang nakikita at nararamdaman ang epekto sa amin ng mga bagay bagay tulad ng kontraktwalisasyon at mga paglabag sa mga karapatang pantao, kami man ang henerasyon na may pinakamahusay na akses sa mga impormasyon dahil sa internet, eh wala pa rin sa amin yun.

Ang edad ng mga kabataan ay edad ng pagbabago, ng transisyon, mula sa pagkabata papunta sa pagtanda, hindi po ito usapin ng pagkumbinsi sa amin ng mga kumbinsido, ito po ay usapin ng pagpapaalala na ang mga kabataan, kapag pinabayaan ay nagiiba ng landas.

Isang magandang halimbawa niyan ay, kung ikaw at ang isang kabataan ay pupunta sa mall (syempre maraming pwedeng pamilian) at gusto mong pumunta sa tindahan ng libro eh parang iniwan mo siya sa gate at sinabing “ito ang mall, may bibilhin lang ako, kung gusto mo mag ikot ka muna at magkita na lang ulit tayo pagkatapos ng isang oras.”

Ganun po ang dating nun sa mga kabataan, parang ipinakilala niyo lang sa amin ang mundo at hindi niyo talaga ipinaalam sa amin ang mga pamimilian namin. Kung sakaling isinama niyo kami sa tindahan ng libro imbes na iwan sag ate, malay niyo, maging mahilig kami magbasa ng libro, maging manunulat kame, maging mahusay na kwentista, magkaroon ng interes sa mga “book convention,” pero wala na lahat yun. Edisana, may napaguusapan pa tayo di ba?

Gusto niyo ba talaga na “magkita” na lang tayo pag tapos na? “On the call” palagi ang mga kabataan hanggang sa hindi na.

Sabi nga sa FOI (Freedom of Information) “time is ticking fast.”

Alam nyo na po ang gagawin, hindi ko na rin ito balak ulitin.

*ang nilalaman ng blog post ko ay pawang opinyon ko lang naman. Hindi ako nagsasalita sa kasalukuyan ng mga pangkalahatang damdamin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s