Angst? not exactly…

This shot was taken at PUP. click the picture.

WOAAAAH!! *what a week! what a Hell of a week!!

Bago kayo magalit at magbigay ng violent reaction sa sinabi ko, intindihin niyo muna ang sitwasyon:

1. Lunes hanggang Biyernes ang OJT ko… 8am-5pm pero umaalis ako ng bahay ng 5:40am at dumarating sa bahay ng 8pm. (halos ganyan din ang sched pag papasok ako ng school, para iwas traffic.)

2.nag-aaral ako tuwing sabado at kasalukuyang binabagabag ng reporting.

3. tuwing linggo, BASTA! busy ako kahit linggo!

*niloloko ko na nga ang mga kaibigan ko dahil gusto nilang magkita kita kame, pero sabi ko, maisisingit ko sila sa schedule ko bandang katapusan na ng agosto. At malapit ko na namang i move yun dahil imposible rin pala at mid-term week na yun… so, early september na lang ang reunion.

Problema ko bilang W.S.

1. OJT lang naman ako, kung bakit, pinagagawa ako ng LIVE files, samantalang hindi naman nila ko binabayaran.

2. Kapag tinotopak yung boss ko eh pinapagalitan ako.

3. Stress

Naintindihan ko na kung bakit “Big Deal” na matawag na working student. Mahirap naman pala talaga! Sa ngayon, gaya ng sinabi ko sa kaibigan ko, pangarap ko na lang talaga ng walong oras na tulog. Para sa katulad ko, masyadong ambisyoso ang pangarap ko.

Sa mga nagsasabi ng, “weh? parang di naman, patunayan mo pa!” kung gusto mo pa ng pruweba… edi sige, magbasa ka pa.

Gaya ng nauna ko ng iblinog, nabago ng pagtatrabaho ang buhay ko. Nagustuhan ko ang pakiramdam ng “newly- found freedom” ko. Masaya ako nun kase nakapag papasaya din ako at pakiramdam ko, ginagawa ko talaga yung gusto ko. Wala kasi akong iniisip nuon kundi trabaho lang.

Pero ngayon, bilang working student? Nagugulat pa nga ako sa sarili ko eh, sa totoo lang, kung ako pa yung dati kong sarili, umiyak na ko sa pagod at walang katapusang reklamo kung bakit kailangan kong pahirapan yung sarili ko.

Bilang working student, pakiramdam ko, hindi naman sa wala akong karapatang magreklamo eh, yun lang na wala na kong ORAS magreklamo. Imbes na magreklamo ako eh itatrabaho ko na lang o kaya itutuon ko na lang sa pag re review ng lessons ko sa school (matapang pa kong kukuha ng Professional Civil Service exam sa October niyan ha!).

natuto na ko mula sa dati kong trabaho na wag magreklamo anong oras man ako dapat gumising, kase, may trabaho ako at “professionalism” nga naman daw yun sabi ng boss ko. Natuto akong tanggapin lahat ng kritisismo sa positibong paraan at ang mga OM’s (other matters) na galit ng boss ko ay hindi na pakinggan.

Naisip ko pa nga minsan, para sa isang anak ng lumalaban para sa karapatan ng mga manggagawa at bilang isang “advocate” din ng kanyang mga paniniwala ay tinatanggap ko na lang ang pagalit sa akin ng boss ko kahit hindi yun dapat dahil wala siyang karapatang pagalitan ako dahil hindi pa naman niya ko binabayaran.. at kahit bayaran niya ko, hindi pa rin niya dapat ako pinagsasalitaan ng ganun dahil una at huli, siya ang may kailangan sa akin.

Naisip ko rin na tumatapang pala ang mga kapitalista dahil iniisip nila na ang mga manggagawa ay wala ng pupuntahang trabaho bukod sa kanila. Normal sa mga pilipino ang magkaroon ng pakiramdam ng kagustuhang maging Dominante… dahil matagal tayong nabuhay bilang mga alipin noon (nabasa ko sa libro) kaya ngayon, na “malaya” na tayo ay nilulubos lubos naman natin yun.

Mabalik tayo sa kwento (reklamo) ko bilang isang working student:

Sa totoo lang ha, wala namang pumipilit sa akin magtrabaho ng limang beses sa isang linggo, ang sabi ng school basta matapos ko yung 200 hours na required (200 pa ulit next sem) e okay na. Ewan ko ba, ako lang ang may ayaw, gusto ko ng matapos to para makapag trabaho na ko.

wala ring pumipilit sa akin na pumunta at makipag koordina para sa mga manggagawa at kabataan tuwing linggo, pwede nga naman na ipahinga ko na lang di ba? pero hindi eh, parang nag gu – guilt trip ako pag hindi ako nakakarating eh, obligasyon na ba? siguro.  Di hamak na mas mapalad naman ako sa ibang kabataan, at sa salita nga ng nanay ko, “kung may maitutulong, tutulong lang.”

Minsan na kong sinabihan ng mga kaklase ko na “workaholic” daw ako masyado. Yung tipong ayaw ng walang ginagawa, busy-busyhan kumbaga. Sa isip-isip ko, hindi naman ako ganun eh, yun lang talaga siguro na nung nagtatrabaho ako, natuto rin ako na i utilize lahat ng bagay kasama na dun yung oras. At, sa maniwala man at sa hindi ang buong pamilya ko, nagiging organized na ko sa sarili ko (Hindi sa mga damit at gamit ha? sarili ko lang) kumbaga, naisip ko na lahat ng posibleng mangyari para bukas, preparado na ko…

i.e. kung bukas ang araw ng trabaho ko eh bago ako matulog ay iisipin ko na kung anong isusuot ko bukas para pag gising ko ay hahagilapin ko na lang… na siyang ikinaiinis pa rin ng tatay ko dahil yung oras na dapat iaayos ko ng mga damit ko (na ngayon ay naghuhumiyaw na namang lumabas ng cabinet na gawa ni dad) eh nailaan ko na sa pagaaral, pagtatrabaho at pagse service.. 🙂

Ilang araw ko ng inisip kung anong ilalagay ko sa blog post na to… wala rin akong oras na mag blog. Buti na lang ngayon, hindi pa ko inaantok, pero dapat na kong matulog… 11:07pm na sa orasan ng computer at gigising pa ko mamaya ng 4:30am… (goodluck naman saken!)

**dito ko na muna siguro tatapusin tong blog post ko na to.. Hindi ko alam kung kelan ako makakapag blog ulet… pero at least… mag ba blog pa rin ako… 🙂

Good night na… at mamaya.. Good morning na naman…. haaay…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s