After Call…

“Guys! Last Call na!” … may ilang buwan ko nang nami miss yung boses nung boss ko. Kahit gaano ako kapagod sa araw ko (gabi) eh parang nagkakaroon ako ng tinatawag nilang “adrenaline rush” at lumalakas akong bigla… handang ibigay ang lahat para sa Huling tawag na yun ng araw.

 

Sa totoo lang… nagustuhan ko yung buhay ko sa Call Center… hindi dahil sa sweldo ko… medyo dahil sa mga kasamahan ko… pero dahil nababago na nun yung ugali ko… dumating pa nga sa punto na gusto ko  na ulit yung sarili ko eh… dati wala akong ka kompya kompyansa sa kakayanan ko dahil lagi kong nakikita yung mga MAS magagaling kaysa sa akin.. pero ngayon? keber ko sa kanila? naalala ko na may buhay din nga pala ako… naging masayahin ako, may “sense of independence” na ko sa sarili ko… na siyang pangunahin ko namang dahilan kung bakit ako nagtrabaho…

 

Pero yung pagbabago pala sa sarili ko na matagal ko ng hinihintay na mangyari… ay siya ring naging dahilan ng pagkawala ko… sa sarili… (hindi masyado sa mentalidad dahil matagal na yang kinukwestyon) pero yung mismong pagbabago ko… pakiramdam ko ba ay hindi ko na kilala yung sarili ko… na sobrang ibang tao na ko. kinalaunan… sumuko rin ako… at eto… balik sa normal ang mundo ko… pero, hindi na eksatong katulad ng dati.

 

Yung mga panahon na nagtatrabaho ako… hindi ko iniisip ang kahit ano, sa totoo lang… yung Production Floor siguro ang pinaka gusto kong lugar sa buong mundo! para bang nakahiwalay talaga ako at mayroong sariling mundong pinapatakbo sa loob ng PF… na miss ko yun… duon ako pinaka kalmado.

 

Lahat ng nakaka kilala sa akin ay makakatayong testigo para sa akin kapag sinabi kong “Hindi ako mukhang pera na tao” … kahit wala akong pera… masaya ako… at nakakagawa ng paraan para maging masaya… kaya nung nagka sweldo naman ako… napaka gastador ko naman… lahat na lang yata ng taong nakapaligid sa akin gusto kong regaluhan ng kahit na ano. napasaya ako ng pera sa pamamagitan ng pagpapasaya nung mga binili ko gamit ang pera na yun sa mga taong mahal ko.

 

After Call button sa telepono… 5 minuto lang ang nalalabi para magpahinga bago ang susunod na tawag.

Gusto kong bumalik sa pagtatrabaho… sa totoo lang… enthusiastic ako pagdating sa OJT. gusto ko magtrabaho.. gusto ko ibalik yung sarili ko na nagustuhan ko noon… sa susunod.. hindi na ko matatakot… sa susunod.. haharapin ko na yung bagong sarili ko… sa positibong anggulo.

**Maria-Beloved

Karol-Free Person

 

ako ang taong pangalan ko o ang taong gusto kong maging.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s